Mga Konseptong Pangwika
Ang bawat bansa ay may sariling wika. Maaaring mayroon silang isang wika, dalawa o higit pa. Ang wika ang pangunahing paraan ng komunikasyon ng tao. Ito ay ang instrumento sa komunikasyon at pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo, at salita na nakabubuo ng kahulugan at kaisipan. Mayroong iba't ibang mga konsepto na nauugnay sa wika. Una, Ang bawat bansa ay may sariling wikang pambansa . Sa Pilipinas, ang wikang pambansa ay Filipino. Habang nililinang, dapat itong paunlarin at pagyamanin pa batay sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika. Higit pa rito, may mga opisyal na wika o wikang opisyal na ipinapatupad sa loob ng bansa. Ang mga opisyal na wikang ito ay ginagamit sa mga propesyonal na lugar ng trabaho. Mayroong dalawang wikang ginagamit sa Pilipinas; ito ay Filipino at Ingles. Ginagamit ito sa alinmang sangay o ahensya ng gobyerno. Panghuli, mayroon ding wikang panturo , gi...