Mga Konseptong Pangwika
Ang bawat bansa ay may sariling wika. Maaaring mayroon silang isang wika, dalawa o higit pa. Ang wika ang pangunahing paraan ng komunikasyon ng tao. Ito ay ang instrumento sa komunikasyon at pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo, at salita na nakabubuo ng kahulugan at kaisipan. Mayroong iba't ibang mga konsepto na nauugnay sa wika.
Una, Ang bawat bansa ay may sariling wikang pambansa. Sa Pilipinas, ang wikang pambansa ay Filipino. Habang nililinang, dapat itong paunlarin at pagyamanin pa batay sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika. Higit pa rito, may mga opisyal na wika o wikang opisyal na ipinapatupad sa loob ng bansa. Ang mga opisyal na wikang ito ay ginagamit sa mga propesyonal na lugar ng trabaho. Mayroong dalawang wikang ginagamit sa Pilipinas; ito ay Filipino at Ingles. Ginagamit ito sa alinmang sangay o ahensya ng gobyerno. Panghuli, mayroon ding wikang panturo, ginagamit ito sa pormal na edukasyon. Ang Filipino at Ingles pati na rin ang mga pantulong na wikang panrehiyon ay mga halimbawa ng wikang panturo. Sa Pilipinas, mayroong MTB-MLE o Mother Tongue Based - Multilingual Education, at ito ay ang pag-aaral na nagsisimula sa sariling wika pagkatapos ay lumipat sa karagdagang mga wika partikular na ang Filipino at Ingles.
Ang bagong kaalaman na natamo ko sa paksang ito ay ang iba't ibang uri ng wika at kung paano ito kailangan para makipag-usap sa iba. Ang kahalagahan ng paksang ito ay kailangan sa mundo na tukuyin ang mga pagkakatulad at pagkakaiba sa pagitan ng mga uri ng wikang ito para mas magkaintindihan tayo. Mapapahalagahan ko ang paksang ito sa pamamagitan ng pagtuturo sa iba ng wika sa kung ano ang gusto nilang malaman, sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila ng tamang kahulugan at kahalagahan nito sa ating mundo.
Comments
Post a Comment