Mono, Bi, at Multiligguwalismo
Upang mas maunawaan ang monolingualismo, bilingguwalismo at multilingguwalismo, kailangan nating malaman ang tungkol sa mga konsepto ng una, ikalawa at ikatlong wika.
Ang unang wika ay ang wika mula sa kapanganakan at unang itinuro sa isang tao. Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, arterial language at kinatawan din ng L1. Susunod, ang ikalawang wika, habang lumalaki tayo, maraming exposure sa ibang mga wika na maaaring paulit-ulit na maririnig. Panghuli, ang ikatlong wika, ito ang wikang natutunan natin dahil sa interes. Maaari rin itong maging wikang natutunan natin kapag nagplano tayong pumunta o mag-aral sa ibang bansa.
Sa mas mahusay na pag-unawa sa mga konseptong iyon ay magiging mas madaling maunawaan ang mono, bi at multilinggwalismo. Monolingualismo, Ang tawag sa pagpapatupad ng isang wika sa isang bansa. Iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. Ginagamit ito ng mga bansang England, France, South Korea, at Japan. Maaring maiugnay ito sa unang wikang natutunan ng isang indibidwal. Susunod, mayroong bilingguwalismo ito ay ang paggamit ng dalawang wika na may pantay na kasanayan. Ang isang tao ay bilingual kung magagamit niya ang dalawang wikang iyon sa apat na makrong kasanayan. Kung ang isang tao ay maaaring gumamit ng dalawang wika sa paraang mahirap sabihin kung alin ang kanilang unang wika, sila ay isang balanced bilingual. Panghuli, mayroong multilinggwalismo, ang paggamit ng 3 o higit pang mga wika. Halimbawa ng multilinggwalismo ay ang Pilipinas, ito ay isang multilingguwal na bansa dahil mayroong higit sa 150 na wika. Sa Pilipinas, ipinapatupad ang MTB-MLE o Mother Tongue Based - Multilingual Education, kung saan unang tinuturuan ang mga bata gamit ang kanilang unang wika dahil ayon sa mga pag-aaral ay napakabisa nito. Ang unang wika ang nagiging pundasyon ng pagkatuto at pag-unawa ng bata.
Ang bagong kaalaman na aking natamo sa paksang ito ay kung paano natin natutunan ang ating una at pangalawang wika. Natutunan ko rin kung ano ang balanseng bilingualism at iyon ay isang taong nakabisado ang kanilang mga wika. Ang kahalagahan ng paksang ito sa mga tao ay para malaman nila kung paano natin natutunan ang ating wika at kung paano makakaapekto ang pag-unawa sa wika sa ating buhay. Bilang isang mag-aaral, pahahalagahan ko ang paksang natutunan at tinalakay sa pamamagitan ng pag-alam at pag-aaral ng pagkakaiba ng ating una, pangalawa at pangatlong wika at kung paano maituturing na bilingual o multilinggwal ang isang tao.
Comments
Post a Comment